21.jpg

Eraserheads, Hotdog, VST & Company, APO Hiking Society, atbp. Ilan lang iyan sa mga mahuhusay na mang-aawit ng OPM artists. Noong panahon ng Dekada 70’- 80’ ay doon sumikat and Pinoy music. Kay ganda n gating musika mula sa mga berso at mensahe hanggang sa tunog mismo’y magkatugma. Ang mga awitin noon ay buo ang tinig at magaling. Walang teknolohiyang kinailangan para gumanda and kanta. Mismong tunay na boses lamang ng mang-aawit ang maririnig atang natural ng pagtunog ng instrumental.
Ang mga kabataang Pilipino noon ay ang mga magulang ng kabataan ngayon. Mahal na mahal nila ang musikang Pilipino. Tiyak ang OPM ang kulturang uso at hinahangad ng lahat. Masasabing may “class” ang musika noon. Makikita natin na kahit ngayong panahon ay pinapatugtog pa rin sila dahil sa ganda ng kanta. Mga halimbawang kanta’y galling kay Gary Valenciano: Sana Maulit Muli, Di bale Na Lang atbp. Masusuring walang hanggan rin ang kanta dahin sa paggawa muli ng sariling salin ng mga kanta sa henerasyon naming kagaya ng mga kanta ng APO Hiking Society: Panalangin, Ewan, atbp.
Ano na ang nangyari ngayon? Nasaan na an mga ganitong musika? Ngayon, ang tingin na sa sa musika ng masa ngayon ay “Jologs” o “Bakya”. Pinandidirian na ang musika. Hindi na nakikinig ang mga Pinoy ng nagging uso and Internasyonal na kanta at nawal na ang Kulturang Pilipino. May baba at taas ang pagdating ng kantang ito para sa bansa. Ngunit dahil dito, bumaba ang tingin ng tao sa OPM. Dahil sa Amerikanong musika at ang bagong “Korean-pop” ay tila nawawala na ang bigat ng OPM. Biktima ang lahat dito. Ang Pinoy music ngayon ay puro nilalaman ng mga rock band o ballad ng isang mang-aawit o grupo. Uso sa kanilang musika ang mga “party music” at ang masasayang kanta. Ano kaya ang nangyari sa Iyo?
Isang araw, may isang pamilya nagpahinga sa lingo. Ang tatay na si Miko ay nakinig sa Hapones na musika at ang nanay na si Jane ay nakihalubilo sa Amerikanong musika. Anak nila si Maria, hindi alam kung ano dapat ang papakinggan niya. Dito dumating ang kababatang kaibigan niyang si Pedro. Hindi ganoon kalapit ang pamilya ni Maria. Pinuntahan ni Pedro si Maria at nakita niyang malungkot. Pinapakinggan niya ito ng OPM music. At dito nagbago ang kanyang buhay magpakailanman.

“Oppa Gangnam Style…Eh Sexy Lady…” pamilyar hindi ba? Sino nga ba ang hindi mapapaindak sa ngayong popular na kanta’t sayaw na kilalang-kilala nga naman sa buong mundo. Bata man o matanda, naiintindihan man ang sinasabi o hindi, ay siguradong alam ang tonong ito.Ang ngayong patok na kantang ito ay hatid sa atin ni Psy mula sa Korea. Korea, pamilyar nanaman hindi ba? — isang bansang madalas natin naririnig sa dekada ngayon. Naglipana sa bawat sulok ang lahat ng aspeto ng mga Koryano dito sa ating bansa at maging sa ibang kontinente. Nariyan ang mga kanta, sayaw, pagkain, palabas at marami pang iba. Naging mabilis nga naman ang pag-unlad ng bansang ito, at tila nga’y napag-iwanan na ang sariling atin.

Mahal nating Inang Bayan nang minsan ay maipagmamalaki, ngayo’y unti-unting naglalaho na lamang ng parang bula. Mga panahon na lahat ay naaakit, mga panahong tila ba’y nasa langit, pero bakit ngayo’y nagbago ang lahat? Parang gulong ng palad na walang katiyakan? Kasalukuyang henerasyon na nawalan ng gana, walang suporta, walang pagmamahal. Ang industriya ng musika sa ating bansa o ang tinatawag na “Original Philippine Music” (OPM) ay naipahiwatig nga ng nasabing pahayag. Ito nga ang walang attensyon na nakukuha ng kasalukuyan mula sa sariling bayan. Nakakalungkot man isipin pero iyon ang katotoohanan, ang industriya ng musika sa ating bansa ay tila patay na.

Mga romantiko, masasaya at makabubuluhang kanta na noon ay sikat at may saysay, ngayo’y napalitan na.  Bagong henerasyon nga naman. Mga mang-aawit at bandang sa ati’y nagpakilig at nagpatuwa, ngayo’y sa ati’y nagmamakaawa upang tayo’y magbalik tanaw. Sino pa nga ba ang susuporta sa OPM, kundi tayo di ba?. Tayo, dahil ito ay sa atin. Isa itong maipagmamalaki lalong-lalo na sa ating mga Pinoy. Kailangan lamang natin makinig at buksan ang ating mga puso sa mga inihahandog ng mga musikerong Pinoy.

Sa aking paglaki ako ay namulat sa kantang Pinoy, kaya naman ako’y umaasa na balang araw ito’y babalik sa dati. Ang mga kantang tatagos sa iyong puso at talagang sa sino man ay tatatak ang tunay na gawang Pinoy. Hindi man maging popular ang OPM sa ibang bansa, ang mas mahalaga ay sa sarili nitong bayan magsimulang tanggapin at mahalin. Ito ang pinaka importante sa lahat at walang mas hihigit pa rito na maihahandog ng buong bansa.

Hindi talaga ako mahilig sa OPM. Sa tingin ko ito ay baduy. Mas tinatangkilik ko ang musika ng mga banyaga lalong-lalo na ang musika na nagmula sa Amerika. Ikinakahiya ko pa nga noon ang OPM eh. Sa tuwing nakakarinig ako ng OPM, parang naiinis pa ako dahil pakiramdam ko noon na sobrang “trying hard” ng mga Pilipino na mang-aawit o musikero para makagawa ng kanta na magugustuhan ng mga Pilipino at mamahalin nang lubusan. Pero noon iyon, hindi na ngayon sapagkat ngayon ay sobrang mahal na mahal ko na ang OPM at ipinagmamalaki ko na ang mga Pilipino na mang-aawit at musikero.

Mula nang makilala ko ang bandang ‘Callalily’, unti-unti ko natangkilik ang ganda ng musikang Pinoy. Nagsimula ako makinig ng mga kantang Pinoy mula sa mga banda. Napakalaking impluwensya sa akin ng bandang Callalily upang matangkilik ang OPM at mas mahalin ‘to kaysa sa mga musika mula sa Amerika. Masyado ako interisado sa bandang ito kaya naisipan ko pumunta sa kanilang album launch.

Nung andun ako sa album launch, sa isang mall sa Mandaluyong, ayokong may makakita sa akin na Paulinian dahil natatakot ako na tawagin nila ako na “jologs” at “baduy.” Naisip ko na para sa mga Paulinian kapag ikaw ay fan ng OPM, baduy ka. Minabuti ko na ang pagsuporta sa bandang ito ay sarilihin ko muna dahil wala akong kaibigan na gustong sumama sa akin sa mga gig ng Callalily kaya ang aking ina ang aking kasama. Pagkatapos nung album launch ay mas natuwa ako sa OPM dahil maganda talaga ang kanilang mga kanta at ito ay madaling maintindihan ang mensahe.

Sa mga gig ng Callalily, hindi lang naman sila ang mga banda na nagtatanghal. Nakakapanuod din ako ng ibang bandang Pinoy. Kitang – kita ko sa kanilang lahat kung gaano kalakas at tindi yung pagmamahal nila sa pagbabanda at pagmamahal sa OPM. May isang pagkakataon nga eh, sinabi ko kay Kean Cipriano, yung bokalista ng bandang Callalily, sinabi ko sa isang liham ko sa kanya na ayaw ko talaga sa OPM noon pero simula nung nakilala ko siya at banda niya, sobrang nagustuhan ko na ang OPM.

Hindi ko maintindihan ba’t ganoon kalakas ang impluwensya sa akin ng Callalily para magustuhan ang OPM. Sobra akong nagpapasalamat sa kanila na kung hindi dahil sa kanila, hindi ko matututunan mahalin at ipagmalaki ang OPM. Mas gusto ko na ngayon manuod ng mga gig ng bandang Pinoy dahil sobra akong nagagalak. Naging kaibigan ko narin yung ibang nagbabanda at sa loob ng halos tatlong taon na sinusuportahan ko ang OPM, may mga nakilala ako na mga tao na naging kaibigan ko na ngayon. Mas mahal ko na ngayon ang OPM kaysa sa musika mula sa ibang bansa.

“Ang Pagbabagong ‘Di Inaasahan”

by River Reyes

Sadyang hindi talaga maiiwasan ang pagbabago, dahil ang mga puso natin ay nagdidikta para sa ating mga hinahangad.  Para sa akin may dalawang mukha ang pagbabago, ang mabuting pagbabago at ang masamang pagbabago.  Ang mabuting pagbabago ay nakakatulong sa pagpapalago o pag-angat sa kapwa nang higit pa para sa sariling kapakanan, samantalang ang masamang pagbabago ay hindi nakakatulong sa kapwa, bagkus ito’y posibleng naglalgay sa kapwa natin sa panganib o pagbagsak.  Kung ano sa dalawa ang maiihalintulad sa buhay ko, masasabing nasa masamang pagbabago ako.

Sa panahon ngayon, marami ang nahihilig sa musika.  Aaminin ko, malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa aking buhay.  Kung wala ito, wala na sigurong nagpapasaya sa akin.  Sa ngayon, ako ay nahihilig sa K-POP.  Halos tatlong taon na akong ganito, pero dati’y hindi pa ako nawiwili rito.  Sa katunayan, mahilig ako sa mga awiting OPM o mga kantang lokal.  Dahil sa mga impluwensya ng mga tao sa buhay ko, nakarating ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Nang ako’y musmos pa lamang, madalas akong mag-abang sa radio sa kanta ni Aiza Seguerra na pinamagatang “Pagdating ng Panahon”.  Iyon kasi ang pinakapaborito kong kanta.  Tapos, pagkatagal-tagal tumatak sa aking isipan ang mga kanta ni Britney Spears.  Noong ako’y nasa elementarya, kinalimutan ko ang mundo ng musika.  Wala akong nakilalang mga mang-aawit, hanggang matungtong ako sa ika-anim na baitang,  Impluwensya ako ng aking mga hilig ko sa musika, OPM at yung sa mga dayuhang Amerikano.  Noong ako’y hayskul na, inimpluwensyahan ulit ako ng kaibigan ko na making ng awiting K-POP.  Sa una, hindi ko ito nagustuhan.  Dahil sa araw-araw kong itong pinapakinggan, nasanay na ang aking mga tenga kaya hindi maiwasan ng aking puso na mahulog dito.  Simula noon, kinalimutan ko na ang lahat ng OPM.  Wala na akong gustong OPM at hindi ko na ito pinapakinggan.

Hindi ko man nagustuhan ang aking pagbabago, pero hindi maiwasan ng puso ko na tumitibok para sa K-POP.  Masakit man aminin, pero isa na ko sa mga taong nawalan na ng hilig para sa OPM.  Isa akong biktima ng hindi pagtatangkilik sa OPM.  Kahit man ganito ako, susuportahan ko pa rin ang musikang Pinoy, gaya ng paggalang sa ating pambansang awit.

Sa kasalakuyan, nauuso ang mga kantang dayuhan. Kagaya ng K-Pop, J-Pop at syempre pati na rina ng mga kanta galing sa Estados Unidos. Nagiging popular na rin ang mga banda kagaya ng One Direction, Maroon 5, The Wanted at iba pa. Nagiging malaking parte na ng buhay ng mga kabataan ang mga kanta galing sa ibang bansa at mas tinatangkilik nila ito kaysa sa mga sarili nating kanta, mga OPM.

Nakalimutan na natin ang mga awit galing sa sarili nating bansa. Nakalimutan na ba natin na minsan naging malaking bahagi rin ng buhay natin ang mga kantang OPM? Mga kanta na napasikat sa ating bansa kagaya ng “Anak” na pinasikat ni Freddie Aguilar. Hindi ninyo baa lam na ang kantang anak ang may pinakamadaming “translation” o ang kanta na sinalin sa ibang lenguahe kagaya ng Ingles, Malaysian, Indonesian at iba pa. Sa tingin kong sapat na to para ipagmalaki natin ang OPM sa mundo. Naging inspirasyon ‘tong kantang ito sa maraming tao sa buong mundo.

Maraming Pilipino rin ang naging sikat sa ibang bansa dahil sa taglay nilang galing sa pag-awit. Kagaya nina Charice Pempengco, Arnel Pineda, Lea Salonga at Regine Velasquez at marami pang iba. Nang minsan nga nakatagpo ako ng video sa youtube tungkol sa isang pinay na sikat sa espanya kahit hindi siya kilala sa pinas. Marami na ring pinoy ang naiimbita sa ibang bansa para kumanta.

Kaya masasabi na dapat natin tangkilikin ang sariling atin. Di ko sinasabi na dapat natin kasuklaman ang mga dayuhang kanta kundi sana lamang tangkilikin natin ang OPM katulad ng pagtangkilik nati sa mga kanta galing sa ibang bansa. Maraming dahilan para mahalin at ipagmalaki ang OPM.

Gangnam style, I don’t care, Superbass, What makes you beautiful, Part of me; Ilan lang yan sa mga kantang popular sa generasyon ngayon. Puro maiingay, “rap”, o puno ng hindi maintindihan na salita, ngunit bakit marami pa din ang nahuhumaling at sumusunod sa “trend” nito? Ano nga ba ang meron sa mga kantang galling sa ibang bansa, na wala sa ating sariling musika (OPM). Hindi ba’t pareho lamang na maganda ang OPM at itong mga internasyonal na kanta, nilapatan lang ng sariling wika ang OPM, ay laos na? Ikinakahiya ba nga mga ilipino ang sariling dugo, at laman nila? Ito ay ilan sa mga tanong na bumabagabag sa aking isip.

Dito na yata pumapasok ang  nosyon ng mga tao na kapag “imported” ay mas maganda kaysa sa lokan na mga produkto. Hindi lahat ng “imported” ay maganda, ngunit hindi rin lahat ng local ay pangit. Kung magtatanong ka sa mga kabataan ngayon, kung sino ang kanilang mga idolo sa larangan ng musika, ang mga pangalang mababanggit nila ay mga Taylor Swift, Rihanna, Jessie J., o Nikki Minaj. At kung itatanong kung sino ang The Hotdogs, Side A, VLC, atbp. Bibigyan ka lamang nila ng blanking mukha at itatanong kung sino, o ano ang mga nasabi. Malimit na ang pagkakataong ang mga kabataan ay mahilig sa OPM. Limitado na ang mga tumatangkilik nito, karamihan nga ay mga  matatanda, o magulang na nais balikan ang masasayang memorya ng kanilang kabataan.

Ito nab a ang gusto niyong iwan sa mga susunod na generasyon?, ang pagkasra NG Opm. Maganda an gating musika, kasing ganda at hihigit pa sa mga awit nila Katy Perry, o Chris Brown. Ang OPM ang salamin n gating kultura, at alaala n gating nakaraan. Subukan nating pakinggan muli ang OPM, at siguradong maeenganyo ka rin dito.

Ibalik natin ang pagkahilig nga mga Pilipino sa OPM. Dahil tauyo rin ang makikinabang ditto, bigyan natin ng magandang impresyon ang mga kabataan sa OPM, at buhayin natin ito muli. Hindi namn sa iiwan natin at kakaligtaan ang mga awiting internasyonal, pwede pa rin naman tayong umidolo sa mga ito. Huwag lang natin isawalang bahala ang sariling atin. Dahil Pilipino tayo, at tayo ay magagaling. Hindi nga nawalan ng tiwala sa atin si Jose Rizal, naniniwala siya na isang araw ay tayong mga Pilipino naman ang magiging tanyag. Namatay siya para sa bayan, huwag naman nating sayangin ang lahat nga pagsisikap at sakripisyo para itaguyod ang kultura natin. Dahil hindi siya kailanman nawalan ng pananalig sa lahing Pilipino, sapat ay tayo din. Dahil ang taong hindi marunong tumanaw sa kanyang pinaggalingan, ay mas masahol pa sa masangsang na isda.

OPM, Saan ka na nagpunta?

Lumipas ang panahon, natutong making sa musika. Noon’y pinagkakaguluhan at kinakabaliwan ang mga sikat na manunulat at mang-aawit ng ating bansa. Bawat pangyayari ginagawang kanta para lapatan ng kulay at magpahiwatig ng mensahe sa mga tagapakinig.

Ang musika ang nagging boses para maipadama ang nararamdaman ng mang-aawit sa kanyang mga karanasan. Tulad ng bandang ‘Eraserheads’. Nagging sikat sila sa mga kantang nakapagpapalambot ng puso.

Naging inspirasyon ng kabataan para maging boses ng bagong henerasyon. Isang binatilyong nagngangalang Juan ay tinitingala ang ‘Original Pinoy Music’ (OPM). Pangarap niya na baling araw na siya’y magiging parte ng isang Pinoy na banda na patuloy ipapalaganap sa mga Pilipino ang OPM. Nang makatapos ng pag-aaral si Juan ay ipinagpatuloy ang kanyang hangarin maging isang sikat na tagapalabas. Nakahanap siya ng mga kaibigan na mayroon din kaparehong hangarin tulad niya. Nagkaroon sila ng ‘record deal’ sa Star Records. Paglipas ng isang aton sila’y nagkaroon ng album at ito’y tinangkilik ng maraming Pilipino.

Ngunit, paglipas ng ilang taon, unti-unting nawalan ng gana bumili at tangkilikin ang OPM dahil puamasok na sa atin bansa ang iba’t ibang musika tulad ng Korea Pop (KPOP) at iba pang klase ng musika na galling sa ating mga karatig bansa. Nakalimot na ang mga Pilipino. Dahil sa mga impluwensyang ito hindi  na alam ng karamihan ang mga tradisyon at musika na dapat ating ipinapalaganap sa ating kapwa mga Pilipino. Tulad nila Juan nakalimot na din sila gumawa at kantahin ang mga kanta sa dapat sa ating wika kinakanta.

Huwag natin ito hayaan mawala. Ito’y isang tradisyon na dapat nakatatak sa ating mga puso dahil dito natin naipapakita ang husay at galling natin gumawa ng mga kanta. Na kaya nating din itong ipalaganap as ating mga karatig na bansa tulad ng patuloy nilang ginagawa sa atin.

“LOCAL VS. FOREIGN MUSIC”

Heeey sexy lady op op op op op opa gangnam style. Iyan ang awit na naririnig ko sa mga kalye, pasyalan, kahit sa mga tahanan. Ang “Opa Gangnam Style” ay isang masayang awitin na kinanta ni Psy; isang mag-aawit na nakatira sa Korea. Tuwing naririnig ko ang awitin na iyan, ay may nakikita akong mga taong sumasayaw. Para bang magkakambal and dalawa. Makikita sa kanilang mga mukha na tuwang-tuwa silang sinasayaw at kinakanta ang “Opa Gangnam Style” kahit na hindi nila alam kung ano ang kahulugan ng mga lyrics at mga salita na nakasaad sa kanta. Aaminin ko na kahit ako man ay alam ang sayaw ng kantang “Opa Gangnam Style”. Dahil naging uso ito ay inaral ko na rin kung pano sayawin ito at minsan ay kinakanta ko na rin ang koro nito.

Sadyang kay tamis ng bawat sandal, tulad nito. Iyan ay isang OPM o Original Pinoy Music na kinanta ng isang Pilipino sa isip, diwa at gawa. Noong unang panahon ay kinagigiliwan ng maraming Pilipino ang mga OPM. Halos lahat ng mga Pilipino noong araw ay iniidolo ang mga Pilipinong mang-aawit. Pilit nilang kinakabisa ang mga linya ng bawat kanta na kanilang kinagigiliwan. Hindi ko maipagkakaila na mayroon akong kaunting awit na gawang Pilipino na kinagigiliwan tulad ng “Anak” at “Sana’y Laging Ganito” at iba pang mga kanta na pinapatugtog ng aking magulang tuwing araw ng Linggo. Napakasarap pakinggan ng mga awiting gawang Pilipino dahil naiintindihan natin ito at ang ibang mga Pilipino ay nakakasunod sa mensahe ng awitin. Ngunit may isang katanungan na gumugulo sa aking isipan, bakit napapangitan na nag ibang mga dalaga at binata sa mga OPM at mas tinatangkiliknila nag mga kantang gawa sa ibang bansa?

Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang mga kantang gawa ng mga Amerikano at Koreano. Tuwing naririnig ko ang mga awitin ni Taylor Swift; isang mang-aawit na naninirahan sa Amerika ay natutuwa ako. Minsan pa nga ay sinasabayan ko siya sa pag-awit. Marahil kayak o nagustuhan ang mga awitin niya ay dahil maganda ang mensahe nito. Maganda rin ang pagkakalapat ng tunog at ang pagkaka-awit  niya sa mga kanta niya. Ang “Opa Gangnam Style” ay patok na patok lalo na sa mga kabataan. Magandang gamitin ang kantang ito na inawit at isinayaw ni Psy sa mga pagsasalo at mga party. Nakakatuwang isipin na kahit hindi natin naiintindihan ng lubusan ang mensahe ng awiting ito ay tinatangkilik pa rin natin ito. Sa tingin ko, kaya lamang ito nagustuhan ng mga kabataang Pinoy ay dahil masaya ang tunog at maganda ang mga sayaw na sinasayaw ka music video nito.

Maraming kabataan ang hindi tinatangkilik ang mga awiting Pilipino marahil ay dahil nababaduyan sila sa mensahe ng awitin. Inaamin ko na kahit ako may ay nababaduyan sa mga awiting gawang Pilipino. Sa panahon ngayon, hindi ko naman sinisisi ang mga mang-aawit na Pilipino, hindi ko lang nagustuhan ang mga mensahe ng awiting Pilipino. Sana, sa pagdating nga araw ay matutunan ko rin magustuhan ang mga awiting Pilipino at matutunang tangkilikin ito. Hindi ko sinasabing masamang tumangkilik ng mga awiting gawa ng mga foreigner,  mas maganda lamang tingnan  at pakinggan kung mas tinatangkilik natin ang sariling atin.

22.jpg

IMG_20151223_024123IMG_20151223_023744IMG_20151223_023952

WAHAHAHAHA! So, may ginagawa talaga ko. Hahaha! Eto yung cinompose namin mejo kulang pa sa hugot. Pero wag niyo na pansinin yung sulat ko ganyan talaga yan. Matatalino lang makakabasa niyan. Hahahaha!

Tska sabi ng prof ko sa Psychology. Pogi daw may mga ganyang handwriting. ❤ hahaha! Christmas na pala mejo mabubusy na naman kami. Tang ina! Kahit pasko na meron paring gagawin. Kelan ba pwedeng mabakante? Hahaha!

Merry Christmas sa lahat. Nawa’y maging masagana kayo. PUTUKAN NA! HAHAHAHAHA 😀

 

Jam Session~ :D

Wag mo na akong pilitin ako ay walang lakas ng loob para tumanggi. Walang dapat ipagtaka ako ay pinanganak na torpe sa ayaw o hindi. ❤ #PUSO hahaha

So, wala kaming magawa nag practice na lang kami kahit umuulan mas lalakas pa lalo yan hahaha! 😀

Tang inang buhok ko ang panget talaga pag walang tali. HAHAHAHA 🙂 para kong si trunks hahahahaha 😛

Wala ng ma say hahaha! ^^

 

Gig Session! :) <3

Halos naka 12songs kami kagabi. Punyets punit na punit na tonsil ko. Wala nag su-sub pisti lang hahaha! Pero enjoy pa rin naman e.

Masarap pa rin kasama yung mga band mates mo, at syempre yung mga tao pag nakikita mo silang nakikisabay sa kanta at tumatalon pa. Nakakawala ng pagod yon man. Haha!

Sulit na sulit kami kagabi. Wala kaming pake sa mga kapitbahay hahahaha! 😀 Ganda naman e. ❤

At tska syempre yung mga chicks kagabi hahaha ❤

Joke lang yun. Hahaha! Birthday kasi ng tatay ng kabanda namin kaya may biglaang set up ng gig. Yown! 3hours preparation lang kami, buti nairaos pa. Thank you Lord! Syempre sa mga nakikanta at nakitalon kagabi.

HAYMABU! 😀 ❤

Tagpuan…

1

Nagbibilang ng sandali
Pintig ng puso ko’y bumibilis
Alam kong nadarama mo rin.

Magkikita tayo muli
Parang batang kinikilig
Di mapakali at nasasabik
Mahawakan kang muli.

Mundo’y ating iiwanan
Maaari lang sana
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan
Maaari lang sana
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan
Tagpuan~ ❤

2.jpg

3.jpg