Bakit single pa rin? :) :( :D

1.jpg

 

Pinakaayaw ko talaga ang umaatend ng handaan ng kamaganak.  Eh kasi naman pag nagmaamano ka sa mga matatanda ang unang tanong sa yo:  “O, ke gwapo-gwapo mo, ah!  Kelan ka ba mag-aasawa?”  Nung una, sinasagot ko pa ng pinakamatamis kong smile at medyo magba-blush pa ako.  Ngayon parang gusto ko nang sagutin ng:  “Kayo ho, ang tanda-tanda nyo na.  Kelan ho ba ang lamay?”  Siempre hindi ko masabi yan no!  Dedma ever na lang.  Kaya nga napag-isip isip ko.  Andami na ngang kasing-edad ko na wala pa ring asawa.  Bakit kaya?  At least ako alam ko ang dahilan.  Eh ikaw?  Kung single ka hanggang ngayon, alam mo ba ang dahilan?  Well, umupo ka at matuto…

  1. Career-oriented ka.  Sige work lang ng work.  Overtime lang to the max.  Gusto mong mapromote, di ba?  Gusto mong makatulong sa pamilya mo kaya work to death ka.  Napromote ka nga.  In fact halos taon-taon may promotion ka.  Ang saya-saya mo.  Eh kumustang love life mo?  Kaya nga may standard reply ka na pag tinatanong ka kung kelan ka magaasawa:  “Pag bongga kasi ang career, zero ang lovelife!”  Neknek mo!
  2. Sobrang taas ng standards mo.  Please lang, bago mo taasan ang standards mo, look yourself in the mirror muna ha.  Kung di ka naman masyadong kagandahan at kagwapuhan, magdesisyon ka.  Huwag nang umasa pa ng kamukha ni Brad Pitt at Angelina Jolie ha.  Pwede na ang medyo may attitude dahil pwede namang magbago yan – ipag-pray over mo gabi-gabi.  Pwede na rin ang di mayaman dahil pwede namang kitain yan.  Ang importante makakasundo mo.
  3. Homebody kang talaga.  Eh kasi naman conservative ang family mo no.  Ayan tuloy napagiiwanan ka ng panahon.  Lumabas labas ka naman kahit konti.  Pumunta ka ng malls – magbingo ka!  Malay mo manalo ka at tuloy madaming makipagkilala sayo dun.  Mag-yoga ka or mag-work out.  Andaming single dun!  Subukan mo ring sumali ng kung anik-anik na organizations.  Huwag lang sa Singles for Christ – lalo kang walang pag-asa dun.  Try mong pumunta ng foam party.  Andami kayang nalalasing dun!  Malay mo…
  4. Feeling genius ka. Ang hirap sa mga mauutak, feeling nila, regalo sila ng Diyos sa mga naghahanap ng syota.  Haleeeerrr…. nakaka-turn off kaya ang mga sobrang mautak.  Mangingime ang mga interesado sayo kasi baka sobrang lalim ang paguusapan nyo.  Something like the Gross National Product of Singapore.  Mabilis pa sa alas-kwatro na iiiwan ka ng kausap mo.  So please lang, okay lang kung medyo tanga ka.
  5. Burara ka. Utang na loob, bago man lang lumabas ng bahay, make sure hindi ka mukhang kagigising lang.  Mag-ayos ayos ka naman.  Kahit di ka pogi o maganda, ang importante hindi ka amoy-imburnal.  Nagagawan na din ng paraan ang itsura natin.  Ito lang masasabi ko:  Papaya Soap.
  6. Ang sungit-sungit mo. Kung inaakala mong cute ang pagsusungit, think again.  Toxic na nga ang buhay dadagdagan mo pa ng simangot.  Hello?!  Ano ba talaga ang plano mo sa buhay?  Maging principal?  Hay naku, ngumiti ka naman.  Huwag kang pintasero kung kapintas-pintas ka rin naman.  Huwag kang masyadong palaaway.  Smile and the whole world smiles at you.  Yang pangiti- ngiti mo, I am telling you, seswertehin ka eventually.
  7. Bading ka o Tibo. Oo nga naman.  May rason ka nga naman pala.  Huwag na huwag mo nang ipagpilitang mag-asawa ha?  Huwag mo nang lokohin ang sarili mo.  Pwede ka pa ring sumaya kahit single kang bading o tibo.  Mind over matter lang yan.
  8. Kuripot ka. Ayaw mong gumastos para sa ibang tao.  Ayaw mong umakyat ng ligaw kasi namamahalan ka ng ireregalo.  Gusto mong ikaw lang ang gagamit ng sweldo mo para sa sarili mo.  Oh well, sumige ka.  Yakapin mo sa gabi ang pera mo.  Tingnan ko lang kung sasaya ka.
  9. Torpe kang lalake o Dedma kang babae. Kung single guy ka at ikaw yung tipong humahanap pa ng tiyempo then ang tawag sayo torpe.  Hindi na uso yan.  Santong paspasan na.  Kung ikaw naman ang single lady na dedma ang dating then ang tawag sayo wala kang pakiramdam.  May nagpaparamdam na nga’t lahat dedma ka pa rin.  Anong hinihintay nyo, pasko?
  10. Palad mo nang maging single forever. Naku ito ang pinakamabigat labanan.  Kailangan dito spiritual discernment.  Baka naman kasi may calling ka.  Bagay ka bang magpari o magmadre?  Lumuhod ka at magdasal.  Humingi ka ng sign kay Lord.
Sa tutuo lang, eh ano naman kung single ka pa rin di ba?  At least kung may giyera, mag-isa kang tatakbo – wala ka nang iisiping asawa’t anak na ililigtas.  Kung single ka, kahit 100 pesos lang ang pera mo, makakakain ka pa rin sa Jollibee.  Pero siempre kung uukol, bubukol.  Kung para sayo talaga yan, darating yan.  In the meantime, be happy.  Masarap ang mabuhay.